Ang nakataas na kamao ay s’ya ring mga kamay na boboto ng tamang pinuno.

Libo-libong Pilipino na ang #Tumindig para sa sarili, komunidad, at bayan. Tayo na’t makilahok!

Hindi dito natatapos ang laban. Mula sa araw-araw na pagpuna sa mali hanggang sa pagboto ng mga kakampi ng karapatang pantao, tuloy-tuloy lang ang ating pakikibaka at pagtindig.

Paano at para saan tayo titindig?

Paano at para saan tayo titindig?

1. Tumindig para sa Karapatan

Tumindig, ipaglaban, at pumili ng mga lider na mayroong totoong makataong agenda. Hanapin ang mga taong magbibigay pansin sa usapin ng maayos at disenteng trabaho at makataong sahod, pagkain, pabahay at edukasyon na pangunahin nating kailangan upang mabuhay nang may dangal. Piliin ang gobyernong proproteksyunan tayo laban sa pang-aabuso at ilalayo tayo sa panganib.

Gamitin ang BILIPINAS 2022 Senatorial Candidates Matrix para buohin ang iyong “Magic 12” para sa darating na eleksyon.

2. Tumindig para sa Kalayaan

Tumindig, ipaglaban, at itaguyod ang ating kalayaan. Pumili tayo nang mga lider na ipaglalaban ang ating teritoryo katulad nag West Philippine Sea. Mga mamumuno na hindi sisigkaan ang ating kalayaan magpahayag at hindi lalabagin ang ating mga karapatan na isabuhay ang ating mga paniniwala.

I-follow lamang ang DAKILA sa iba’t ibang social media platforms para ma-update sa mga kapanya nito para sa kalayaan#BanderaNatinIto

3. Tumindig para sa Katotohanan

Tumindig, ipaglaban, at malayang ipahayag ang katotohanan. Pumili tayo ng mga mamumuno na pangangalagaan ang integridad nang ating kasaysayan. Pumili tayo ng mga lider na kasama natin lalabanan ang paglaganap nang fake news at historical distortion.

Panoorin sa YouTube ng Active Vista ang Ibang Klase Rin Series at Para Clear at i-share sa ating mga kaibigan o kamag-anak na naging biktima ng disinformation, misinformation, at historical distortion.

Bisitahin ang MartialLawPH, makialam sa iba’t ibang paraan para isulong ang katotohanan tungkol sa malagim na kasaysayan ng Martial Law noong panahon ng Diktaduryang Marcos.

Sumali, matutong kumilatis at maging Fact-Checker, i-report lamang ito sa #FactsFirstPH.

Mag-organisa ng mga Screenings ng mga dokumentaryo at pelikulang panig at nagpapahayag ng katotohanan.

4. Tumindig para sa Kapatiran

Tumindig, ipaglaban, at patibayin ang pagkakaisa natin bilang mga Pilipino. Piliin natin ang mga kandidatong may tunay na plataporma para sa pantay-pantay na pagrespeto at pagtanggap nang lipunan

Sundan ang DAKILA Philippines sa YouTube

Panoorin ang UGH! WATCHASAY: Women on Women’s Issues Told by Women at ang Ang Boto ko ay Para Sa: An Interactive Installation Art

5. Tumindig para sa Kaginhawaan

Tumindig para sa buhay na hayahay at may dignidad: disenteng trabaho at makataong pasahod, pagkain, pabahay at edukasyon. Sapat na ayuda sa panahon nang pandemya at angkop na tulong sa panahon nang sakuna na dulot nang climate change.

Panoorin at pakinggan ang mga buhay nina Jaya AriolaChris MatibayRam Botero aka Candy DarlingKa Inday, at Tatay Elmer sa isang video series na hinanda ng DAKILA.

6. Tumindig para sa Kabutihang-Loob

Tutulan ang kulturang mapanlamang, basagin ang tradisyunal na pamumulitika. Pumili base sa track record at plataporma, sama-sama nating ipanalo ang isang makataong pamamahala.

Samahan ang pamilya o mga kaibigang laruin ang “HALA!…lan” the election simulation game! Mag-enjoy habang natututong kumilatis at pumili ng isang makataong lider.

Tara! Pumili nang mabuti at tama ngayong #Halalan2022!

Tara! Pumili nang mabuti at tama ngayong #Halalan2022!

Ikampanya natin ang mga bagay na dapat nating tindigan!

Here are the downloadable at printable materials na pwede nating gamitin sa ating house to house o kahit sa pakikipagusap sa ating mga pamilya at mga kaibigan.


Download na!